Tiniyak ng Marcos Administration na kasama sa pokus ng pamahalaan na magawa sa nalalabing higit isang taon na lang nito sa termino na maibigay ang kailangang suporta sa Middle Class.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, gagawin nila ito kasabay ng pagsisikap na hindi na muling babalik sa kahirapan ang mga nakaahon na, at dadami ang makakaahon pa.
Gagawin aniya ito ng gobyerno, sabi ni Recto, sa pamamagitan ng mga programang magpapabilis ng high-impact infrastructure projects na lilikha ng trabaho, magpapalakas sa lokal na ekonomiya, makapagpapabawas sa logistics costs at hihikayat ng mas marami pang investments.
Binigyang-diin ni Recto na hindi magpapahinga ang pamahalaan sa gitna ng mithiing makamit ang target para sa mga Pilipinong nasa Middle Class at hindi na bumalik pa ang may 6.5 na mga kababayan nating naialis na sa kahirapan.
Bumagsak nang malaki ang antas ng kahirapan mula 15.5% noong 2023 sa 9.7% noong 2025, na nagbawas sa bilang ng mga mahihirap na Pilipino mula 17.5 milyon na naging 11 milyon—tatlong taon na mas maaga sa target nitong maibaba sa single-digit ang poverty rate pagsapit ng 2028.