Sisimulan nang ipatupad ngayong Miyerkules, August 26, ang bagong online appointment system para sa pagbili ng Benteng Bigas sa KNP Center, Bureau of Animal Industry (BAI), Visayas Avenue, Quezon City.
Layon ng sistema na mas mapabilis at maging maayos ang daloy ng pamimili ng mga benepisyaryo sa ₱20 kada kilong bigas.
Ayon sa DA, maaari pa ring gamitin ang kasalukuyang Benteng Bigas Appointment System (Google Form). Gayunman, iisa lamang ang dapat piliing paraan ng pagkuha ng appointment, sa Google Form o website para maiwasan ang duplicate bookings.
Ang bagong website-based appointment system ay sasailalim sa isang buwang pilot testing at inaasahang magiging permanenteng sistema para sa pagkuha ng appointment pagkatapos nito.
