Photo courtesy of Caloocan LGU
Para matugunan ang problema ng pagbaha sa Caloocan, isasakatuparan na ng LGU ang mas komprehensibo at pangmatagalang Master Drainage Plan.
Nakipagpulong si Caloocan Mayor Along Malapitan kay University of the Philippines Resilience Institute (UPRI) Executive Director Dr. Alfredo Mahar Francisco Lagmay para talakayin ang mga hakbang para sa pagpapatupad nito.
Ayon kay Malapitan, matagal nang napirmahan ang plano at panahon na para maisakatuparan ito bilang bahagi ng pangmatagalang solusyon sa pagbaha sa lungsod.
Kabilang sa tinalakay ang paggamit ng datos, hazard mapping, pagsusuri sa daloy ng tubig at iba pang technical assessment para matukoy ang mga sanhi at flood-prone areas sa Caloocan.
Layon ng Master Drainage Plan na magsilbing gabay sa pagpaplano at pagpapaunlad ng mga drainage system, pumping facilities, waterways, at detention o retention areas sa lungsod.