Binuksan ng Marikina City LGU ang 31 bakanteng posisyon ng Counselor Associate I para magsilbing School Counselor ng may 33 pampublikong paaralan sa lungsod.
Layon nito na mapunan ang mga bakanteng posisyon ng mga Guidance Counselor sa Lungsod para tugunan ang mental health ng mga estudyante.
Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, pagtalima ito sa programa ng Department of Education (DepEd) para sa hiring ng mga Guidance Counselor sa mga paaralan.
Bukod dito, nagtalaa rin sila ng mg tauhan mula sa Public Safety and Security (OPSS) upang umalalay sa Pulisya sa pagbabantay sa paligid ng mga paaralan.
Ginawa ang hakbang upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at school personnel bunsod na rin ng mga naitatalang insidente ng karahasan sa mga eskwelahan.
Kaya naman nanawagan ang alkalde sa mga kwalipikadong propesyunal na tumugon sa tawag ng paglilingkod-bayan para sa kapakanan ng kanilang mga kabataan.