Mariing pinalagan ng House Prosecution Panel ang giit ng depensa na pang-soundbites lamang ang mga alegasyon sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.
Depensa ito ni Legal Spokesperson Atty. Jay Tolosa matapos sabihin ng kampo ni VP Sara Duterte na “theory” at “soundbites” lamang ang mga punto ni Private Prosecutor Atty. Mae Divinagracia.
Giit ni Tolosa, normal at may matibay na basehan ang mga tanong ni Divinagracia sa idineklarang hostile witness.
Gayunman, tiniyak ng prosecution na mas magiging maingat na sila sa gagamiting mga salita at tatalima sa rules ng impeachment court.