Determinado ang House Prosecution Panel na tapusin ang kanilang presentasyon ng mga ebidensya at testigo bago matapos ang buwan ng Oktubre upang hindi na humaba pa ang impeachment trial.
Sang-ayon si House Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro sa panawagan ng ilang senator-judges at ni Presiding Officer Chiz Escudero na tapusin ang paglilitis bago matapos ang taon.
Binigyang-diin ni Luistro na napapagod na ang publiko at marami pang legislative work ang kailangang asikasuhin ng mga mambabatas para sa kanilang mga distrito.
Ito anya ang dahilan kung bakit pinag-aaralan ng prosecution ang linya ng kanilang testigo upang maiwasan ang paulit-ulit na testigo at pare-parehong testimonya sa korte.