Inihayag ng House Prosecution Team na handa silang humarap at magtanong sa cross-examination kay VPSPG Commander Col. Raymond Dante Lachica kung ipapatawag man ito ng defense team.
Binigyang-diin ni Legal Spokesperson Atty. Jay Tolosa Jr. na nasa kamay na ng kampo ng depensa kung ihaharap nila si Lachica bilang testigo sa impeachment court.
Ayon naman kay lead prosecutor Rep. Gerville Luistro, kung siya ang tatanungin, hindi na kailangan pang iharap ang dalawang testigo na sina Lachica at Col. Dennis Nolasco sa Senate impeachment court.
Aniya, sapat na ang testimonya ng mga Landbank officials, disbursing officers ng Office of the Vice President (OVP) para patunayan na nag-withdraw ng pera sa bank alinsunod sa atas ni VP Sara.
Dagdag ni Tolosa, pag-uusapan pa ng buong team kung kakailangan pa ba silang ipatawag, pero kung sakaling iharap sila ay handa silang tanungin ito.