Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang nasa mahigit 241 kilo ng mishandled at hindi rehistradong mga karne.
Ito’y sa bisa ng ikinasang operasyon ng mga awtoridad at pagpapatupad ng mission order ng NMIS sa Pasay City Public Market sa Pasay City kahapon.
Agad kinumpiska ng mga operating team ang mga mishandled na karne upang hindi na ito makapaminsala pa sa kalusugan ng mga konsyumer.
Dahil dito, mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9296 at Republc Act 10536 o ang The Meat Inspection Code of the Philippines ang mga nahulihang nagbebenta ng mga naturang karne na nagkakahalaga ng mahigit ₱77,000.
Mahigpit naman ang paalala ng CIDG sa publiko na maging mapanuri sa mga bibilhing produkto at tiyaking dumaan ito sa masusing inspeksyon gayundin ay may tatak ng pagkasuri.

