Screenshot
Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon ngayong umaga ng Miyerkules, August 26, 2026.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), naitala ang ash emission bandang alas-8:30 ng umaga, na nagdulot ng kulay abong plume.
Matatandaang kahapon nagkaroon din ng parehong aktibidad sa bulkan na tumagal nang humigit-kumulang 30 segundo.
Nananatili naman sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon.
Pinapayuhan ang publiko na huwag pumasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone bilang pag-iingat sa posibleng pagputok o iba pang volcanic hazards.