Tiniyak mismo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na marami silang mga testigo na hindi magre-recant o babawi ng kanilang mga naging testimonya.
Ito ang naging pahayag ni Ombudsman Remulla kaugnay sa pagre-recant pa ng ilang ex-bodyguard, kabilang na si retired marine Orly Guteza.
Ani Remulla, marami pang mga ebidensiya silang ilalabas gayundin ay posible pang madagdagan ang kanilang mga testigo.
Hindi naman nababahala ang Ombudsman sa ginagawang recantation ng ilang ex-bodyguard at ni Guteza, dahil kumpiyansa ang tanggapan nila na malalakas ang hawak nilang ebidensiya at totoo ang testimonya ng mga hawak nilang testigo.
Nauna na ring nagpahayag ng kumpiyansa ang kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez na mapapatunayang walang kinalaman ang kongresista sa mga inaakusang eskandalo.