Patuloy ang pagdami ng mga pasyenteng dinadala sa mga opsital ng Manila LGU na may Leptospirosis.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, kahit gaano kalaki ang emergency room ng Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital ‘overwhelmed’ na ang mga ito sa kasalukuyan.
Sa ngayon umakyat ang bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng Leptospirosis na naka-admit sa San Lazaro Hospital sa Maynila ngayong araw na umabot na sa 144 kung saan 50 pasyente ang nadagdag kagabi.
Ayon kay Dr. David Suplico, medical chief ng San Lazaro, umabot na sa walo ang bilang ng namatay dahil sa nasabing sakit habang 26 na pasyente naman ang maagap na nagamot at pinayagan na makauwi mula kahapon hanggang kanina.
Kasabay nito inatasan ni Yorme ang mga tauhan ng mga Health Center sa lungsod na magsagawa ng door-to-door campaign laban sa Leptospirosis.
Sina na ang lalapit sa mga pamilya na exposed sa baha at hindi na aantayin pang lumabas ang sintomas gaya ng lagnat, matinding sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, at pamumula ng mga mata.