Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian sa National Bureau of Investigation (NBI), Department of Information and Communications Technology (DICT), at iba pang law enforcement agencies na paigtingin ang pagtugis sa mga indibidwal na nanggugroom at nagre-recruit ng mga menor de edad upang gumawa ng karahasan.
Ayon kay Gatchalian, nakababahala ang natuklasan ng NBI tungkol sa mga predator na sinasamantala ang mga vulnerable na bata at ginagamit ang mga ito upang magsagawa ng karahasan.
Hiniling niya sa mga awtoridad na tukuyin, imbestigahan, at kasuhan ang mga indibidwal na nagta-target sa mga menor de edad.
Kasabay nito, sinabi ni Gatchalian na nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado ang panukalang pagbabawal sa paggamit ng social media ng mga batang wala pang 16 taong gulang.
Patuloy aniyang susuportahan ng Senate President ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng kabataan, kabilang ang School-Based Mental Health Program at Parent Effectiveness Service Program. Layunin aniya nitong palakasin ang proteksyon sa mga kabataan laban sa online exploitation, grooming, at iba pang panganib.