Magkasunod na nakakuha ng mataas na Investment Grade Ratings ang Pilipinas mula sa Rating And Investment Information Incorporated at Moody’s Corporation.
Ang dalawa ay nangungunang financial institutions sa mundo na sumusuri sa kakayahan ng mga bansa at kompanya na magbayad ng kanilang utang.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ang nakuhang A-Investment Grade Rating at Baa2 ay kahayagan ng investors trust sa bansa at sa liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ayon na din kay Executive Secretary Ralph Recto.
Binigyang-diin aniya ni Secretary Recto na makakatulong ang mataas na investment-grade ratings na gawing mas affordable at cost effective ang paghiram ng Pilipinas ng pondo.
Nangangahulugan din aniya ito ng mas mababang financing costs para sa pagpapagawa ng mas maraming classroom, ospital, mga kalsada at ibang proyekto na direktang mapapakinabangan ng sambayanang Pilipino.