Doble-kayod na ang buong Lalawigan ng Pampanga upang maisakatuparan na ang mga short-term flood mitigation programs na una na ring sinuportahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay Pampanga Governor Lilia Pineda, sinabi nitong lubos ang kanilang pasasalamat kay Pangulong Marcos dahil iniutos na nito ang pagpapabilis ng konstruksiyon ng upstream dams upang mapigil nang masalo ng Pampanga ang tubig ulan mula sa Nueva Ecija at Sierra Madre.
Ani Pineda, ang upstream dams na kasi ang nakikita nilang agarang solusyon upang hindi na malubog sa baha ang Pampanga.
May mga paraan na ring ikinakasa ang Provincial Government ng Pampanga para sa surface water source, upang magamit din ang tubig na maiipon bilang patubig sa mga irigasyon na makatutulong naman sa mga magsasaka at iba pang agri stakeholders.
Posibleng abutin ng isa hanggang dalawang taon bago matapos ang nasabing upstream dams.