Pinalawak ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Responsableng Panonood Program sa Naga City bilang bahagi ng kampanya nitong palakasin ang kaalaman ng mga pamilya at komunidad sa ligtas at responsableng paggamit at pagkonsumo ng media.
Sa isinagawamg pulong-balitaan, inihayag ni Naga City Mayor Maria Leonor “Leni” Robredo ang suporta sa programa at pinuri ang MTRCB sa pagsusulong nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa alkalde, napapanahon ang programa dahil nahaharap ang mga magulang, guro at komunidad sa hamon ng pagprotekta sa mga bata mula sa harmful media content at mga impluwensya online.
Ipinaliwanag naman ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto na hindi lamang pelikula at telebisyon ang saklaw ng Responsableng Panonood Program, kundi maging ang content na nakikita ng mga bata sa online platforms.
Binigyang-diin ni Sotto na kailangan ang pagtutulungan ng mga magulang, paaralan, lokal na pamahalaan at iba pang sektor para maprotektahan ang mga kabataan.
Hinikayat din niya ang mga magulang at supervising adults na gamitin ang parental controls at iba pang safety features ng digital platforms, gayundin ang age-appropriate classifications at ratings sa paggabay sa kanilang mga anak.
📸 MTRCB

