Plano ng senado na i-adjust ang kanilang legislative time para mapayagan na sabay isagawa ang plenary session at ang committee hearings para sa panukalang 2027 national budget.
Ito ay dahil sa limitadong oras ng mataas na kapulungan dahil na rin sa gumugulong na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, sa plano ay sususpindehin nila ang kanilang rules para mapahintulutan ang committee on finance na makapag committee hearing habang on-going ang sesyon.
Pero nilinaw ni Gatchalian na limitado na lang sa budget committee hearings ang papayagang isabay sa plenary session at hindi ang committee hearing para sa ibang mga panukalang batas.
Posible aniyang sa ikalawang linggo pa ng setyembre ito ipatupad ng senado dahil patuloy pa rin ang kanyang kkonsultasyon kay Committee on Finance Chairman Senador JV Ejercito.
Dinagdag rin ng Senate President na malabo na sa ngayon ang naunang nabanggit na planong magsagawa ng committee hearings tuwing weekend. | ulat ni Nimfa Asuncion