Hinimok ng Department of Energy (DOE) ang publiko na bisitahin at tangkilikin ang itinayong Energy Museum sa lungsod ng Taguig.
Sa panayam ng Mark In, Mark Out kay Energy Secretary Sharon Garin sinabi nitong mahalagang malaman din ng publiko kung ano-ano nga ba ang energy production systems at energy tech na ginagamit ng bansa upang makapag-produce ng enerhiya.
Dito mas maiintindihan ng publiko kung saan ba nanggagaling ang enerhiya ng bansa na isang paraan din upang mapataas ang kamalayan ng mga Pilipino sa usapin ng enerhiya.
Tampok din sa Energy Museum ang iba’t ibang inobasyon at imbensiyon sa larangan ng enerhiya na gawa mismo ng mga Pilipino.
Wala ring dapat ikabahala ang publiko dahil libre at bukas para sa lahat ang Energy Museum ngunit kinakailangang makipag-coordinate sa mga tauhan ng DOE kung bibisita lalo na kung malaking grupo ang magtutungo.