Nagpaalala ang Departament of Health (DOH) sa publiko na may tamang gamutan laban sa leptospirosis.
Ayon sa DOH, ‘wag basta-basta iinom ng Doxycycline o gamot laban sa leptospirosis.
Sinabi ng DOH na bawal uminom ng nasabing gamot ang mga buntis, nagpapasuso at nasa walong taong gulang pababa.
Maaaring uminom pero dapat may gabay ng doktor at nakadepende sa sitwasyon kung gaano kadaming gamot ang iinumin.
Para sa lumusong sa baha ng walang sugat, dalawang beses iinom ng doxycycline kada araw sa loob ng isa hanggang tatlong araw.
Sa lumusong sa baha na may sugat, dalawang beses iinom ng doxycycline sa isang araw na tatagal ng 3-5 araw.
Habang sa paulit-ulit na lumulusong sa baha, iinom ng doxycycline ng dalawang beses sa isang araw, na tatagal sa loob ng isang linggo at hanggang sa tumigil sa paglusong sa baha.