Habang pinalalawak na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng mga detention basin kontra baha sa Metro Manila, makikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa mga water concessionaire para mapakinabangan pa ang mga tubig na maiimbak sa pasilidad.
Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makipag-ugnayan sila sa Maynilad at Manila Water para sa mga itatayong detention basin.
Ito ay para hindi masayang ang tubig na maiipon sa mga detention basin.
Ayon sa kalihim, maaaring kunin ng Maynilad at Manila Water ang tubig mula sa detention basin at i-redirect ito sa kanilang mga treatment plant para maproseso at mapakinabangan bilang potable water.
Sa ganitong paraan, hindi lang umano mababawasan ang pagbaha kundi mapapakinabangan pa ang maiipong tubig dito.