Walang inaasahan ang prosecution team ng Kamara na tatalima si VP Sara Duterte sa kautusan ng Senate Impeachment Court hinggil sa sub judice rule o Rule 18.
Inihayag ni House Deputy Speaker Jay Khonghun na nagiging gawi na umano ng Bise Presidente ang pagbibigay ng puna at reaksiyon sa mga ginagawa ng House prosecution panel maging ng impeachment court.
Lumabas ang pahayag na ito matapos maglabas ng pormal na utos ang senado na nagbabawal sa lahat ng sangkot sa paglilitis— kabilang ang mga senador bilang hukom, presiding officer, magkabilang kampo, at mga abogado— na magsalita sa publiko upang hindi maapektuhan ang takbo at integridad ng kaso.
Sa kabilang banda, nanindigan naman ang House Prosecution Team na susunod at magpapasailalim sa mga panuntunan ng Impeachment Court.