Umalma ang mga mambabatas sa paghahambing sa mga pambansang bayani na gumamit ng alyas sa mga recipient ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang reaksyon nina House Trial Spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong at Deputy Speaker Janette Garin sa clarificatory questions ni Senator-Judge Robin Padilla, kung saan binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng paggamit ng alyas ng mga bayani kumpara sa mga miyembro ng NPA at recipients ng confidential funds.
Tinawag ni Adiong na “poor attempt” ang pahayag upang bigyang-katuwiran ang paggamit ng mga alyas sa ngalan ng pagiging makabayan.
Binigyang-diin naman ni Garin na hindi tamang lapastanganin ang mga bayaning nagsakripisyo sa bayan para lamang ipagtanggol ang kwestiyonalableng paggastos sa confidential fund.