VP Sara, pinuna ng mga mambabatas sa pahayag na kawalan ng ebidensya umano ng prosecution sa gitna ng kanyang paglilitis
Pumalag ang mga mambabatas sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na “walang naipresentang ebidensya” ang prosecution sa kanyang impeachment trial.
Ayon kay House Prosecutor Terry Ridon, kailangan dumalo ang pangalawang pangulo sa kanyang sariling impeachment trial.
Aniya, tapos na ang pang-19 na araw ng paglilitis pero hindi pa rin ito sumisipot.
Bumwelta din si Deputy Speaker Jefferson Khonghun at binigyang-diin ang kawalan ng respeto ng bise sa Impeachment Court.