Ramdam ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager, Undersecretary Nicolas Torre III ang hirap at pakikipagsapalaran ng mga sidewalk vendor, may maiuwi lamang sa kanilang pamilya.
Ito ang tinuran ni Torre nang makipag diyalogo siya sa mga vendor ng Quezon City sa isinagawang Vendors Summit na isinagawa, kamakalawa.
Dito, binalikan ni Torre ang maliit na tahian ng kaniyang ina sa palengke ng Dumangas Iloilo na pangunahing pinagkukunan ng pantustos para sa kanilang apat na magkakapatid.
Giit ni Torre, dapat maunawaan ng pamahalaan ang katotohanan kapag bumabalangkas ng mga patakaran at panuntunan subalit kailangang magkaisa pa rin para sa maayos na ugnayan
Kaya naman umapela siya sa mga vendor na tulungan ang pamahalaan para mapanatiling maayos, ligtas, at malinis ang mga komunidad gayundin ang mga bangketa.