Sa kabila ng banta ng sama ng panahon dulot ng Habagat, matagumpay pa ring nakapaglayag at nakapagsanay ang mga barko ng Pilipinas, Amerika at Australia sa ika-19 na Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa West Philippine Sea.
Kabilang sa mga lumahok sa naturang pagsasanay ay ang BRP Diego Silang ng Philippine Navy at BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG)Gayundin ang USS Sta Barbara ng US Pacific Command at ang His Majesty’s Ship (HMAS) Supply ng Royal Australian Navy.
Bukod sa mga barko ng tatlong bansa, lumahok din ang mga aircraft ng 3 bansa na bahagi ng serye ng maritime at air operationsKabilang sa mga isinagawang pagsasanay ang communications exercises, maritime domain awareness, anti-submarine warfare, replenishment at sea at iba pang maritime at air operations.