Bukas ang Department of National Defense (DND) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagrereporma ng pension system para sa Military and Uniformed Personnel (MUP).
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., mas makabubuti kung ihihiwalay ang pension system para sa AFP dahil tumatakbo naman ito sa national scale.
Dagdag pa ng kalihim na dapat pag-aralang mabuti ang mga ipatutupad na pagbabago at reporma sa pension system para sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Hirit pa ni Teodoro na dapat hindi ito maka-apekto sa recruitment ng AFP dahil kulang pa rin ang bansa pagdating sa bilang ng sundalo.