Inaasahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na aabot sa isang bilyong piso ang magiging sales sa mga isasagawang national trade fair ngayong taon.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa naging sales noong 2025 na umabot sa ₱700 million.
Sa isang panayam kay DTI assistant Secretary Nylah Bautista, layon ng trade fair na magbigay oportunidad sa mga micro, small at medium enterprises kaya inaasahang nasa 2,000 MSMES ang makikiisa ngayong taon.
Ito naman ay inaasahang sa national level pa lang ng trade fair at hindi pa kasama ang mga isasagawa sa iba’t ibang rehiyon sa bansa
Ayon kay Asec. Bautista, ang trade fair ay kabilang sa programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang oportunidad para sa Filipino entreprenuers hindi lang sa Pilipinas kundi internationally.
Inaanyayahan din na sumubok ang overseas Filipino workers na magnegosyo sa tulong ng government financing program na magbibigay kapital para sa mga nais magsimula ng maliliit na negosyo.