Photo courtesy of Taguig LGU
Naglinis ng mga kanal at iba pang daluyan ng tubig ang lungsod ng Taguig bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Habagat ngayong linggo.
Sa tulong ng mga volunteer mula sa Brgy. Comembo, tinanggal ang mga nakabarang basura sa mga kanal, nag-ayos ng mga kalat sa paligid at tumulong din sa rehabilitasyon ng mga bangketa.
Nagkumpuni din ng ilang linya ng kuryente sa barangay upang matiyak na ligtas na malalakaran ng mga residente ang mga kalye.
Patuloy namang nakabantay ang Taguig LGU sa lagay ng panahon at sitwasyon sa lungsod at pinapapaalalahanan ang mga residente na huwag nang magtapon ng basura sa daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha sa lungsod.