Mas makakabuti kung magkakaroon ng opisina ang mga social media platforms sa Pilipinas, para sa madaling koordinasyon sakaling kailanganin.
Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Castro sa gitna ng laban ng pamahalaan sa fake news at mararahas o hindi karapat-dapat na content online na nakikita ng mga bata.
Ayon kay Castro, nagtungo si DICT Secretary Henry Aguda sa Singapore upang kausapin ang Meta, at isa ito sa punto ng diskusyon.
Nasa Singapore ang regional headquarters ng Meta, ito ang parent company ng Facebook.
Dagdag ni Castro, hindi din naman na kailangan ang pisikal na opisina sa bansa dahil high tech naman na ang Pilipinas.