Patuloy pang pinalalawak ng Department of Agriculture (DA) ang Kadiwa outlets sa iba’t ibang bahagi ng bansa para matulungan, hindi lang ang mga magsasaka kundi ang mga konsyumer.
Una nang tinukoy ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDEv) ang Kadiwa Program bilang isa sa mga programa ng gobyerno na nagpababa sa poverty rate ng bansa.
Sa programang BOSES, sinabi ni DA Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs, Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra na nasa 842 ang Kadiwa outlets sa kasalukuyan at target na maabot ang 1,500 pagsapit ng 2028.
Positibo ang DA sa pangmatagalang epekto ng Kadiwa outlets, partikular ang pagtiyak sa food security ng bansa.