Binigyang-diin ni Prosecution Adviser Robert Ace Barbers, na mahaharap sa kaukulang penalty at sanction ang sinumang miyembro ng prosecution team na lalabag sa sub judice rule ng Senate impeachment court.
Ayon kay Barbers, ang kamakailang desisyon ni Presiding Officer Sen. Chiz Escudero ukol sa Rule 18 ay dapat magsilbing malinaw na paalala sa lahat ng sangkot sa paglilitis—kabilang ang private at public prosecutors, mga abogado ng depensa, at mga senador-judges.
Sa ilalim ng Rule 18— pinagiingat sila sa kanilang mga pampublikong pahayag at mga post sa social media
—kasama rin sa mga limitasyon si VP Sara Duterte mismo.
Anya sino man ang magkamali, siya ang magbabayad ng multa.
Base sa ruling.. ang unang paglabag ay makatatanggap ng pangaral (reprimand), habang ang mga kasunod na paglabag ay may multang ₱30,000 bawat isa.
Bilang tagapagsalita ng panel, nilinaw ni Barbers na iba ang kanyang papel kumpara sa mga abogadong direktang humahawak sa prosekusyon.
Aniya, ang kanyang tungkulin ay makipag-ugnayan sa media hinggil sa takbo ng paglilitis at maghatid ng impormasyong pwedeng talakayin nang hindi nilalabag ang mga alituntunin ng korte.
sa usapin naman na may ilang Senador-judges na tila “lumalampas sa hangganan” at nagpapakita ng pagkiling sa prosekusyon o sa depensa—sinabi ni Barbers na nasa kamay na ng Presiding Officer ang paggawa ng nararapat na aksyon. | ulat ni Melany Reyes