Ikinakasa na ng Department of National Defense (DND) ang pagpasok nito sa isang kasunduang kahalintulad sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa United Kingdom (UK).
Ito’y makaraang simulan na ng dalawang bansa ang pagtalakay sa Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) na layong paigtingin ang ugnayang pandepensa at pagpapalakas ng puwersang militar.
Pinangunahan ni Defense Undersecretary for Acquisition and Resource Management, Salvador Melchor Mison ang Negotiating Panel para sa Pilipinas.
Binigyang-diin nito ang mas malago at mas malalim na ugnayan ng Pilipinas at UK sa aspeto ng depensa at pakikipagtulungan sa pagtataguyod ng rules based international order.
Nakatutok ang talakayan sa enhancement ng strategic defense initiative, interoperabiility sa pagitan ng mga hukbo at mutual commitment para sa kapaypaan at katatagan sa rehiyon Indo-Pasipiko.