Nagsimula nang magpakawala ng tubig ang Ipo Dam kagabi dahil sa patuloy na pagtaas ng water level dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan at epekto ng Habagat.
Ayon sa pamunuan ng Ipo Dam, unang binuksan ng 15 sentimetro ang Radial Gate A, na naglalabas ng tinatayang 35 Cubic Meters per Second (CMS) na tubig.
Naabisuhan na ang mga lokal na pamahalaan ng Angat, Bustos, San Rafael, Baliwag, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Paombong, Hagonoy, City of Malolos at Bulacan Province para sa kanilang paghahanda.
Pinag-iingat ang mga residente, lalo na ang mga nasa mabababang lugar at flood-prone areas.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, subaybayan ang mga opisyal na update, at agad na sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.