Halos ganap nang naibalik ang internet at mobile services sa mga lugar na naapektuhan ng Habagat.
Ayon sa Department of Information and Communication Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC), bago magtanghali kanina, umabot na sa mahigit 99% ang network restoration ng mga telecommunications company.
Sa wireless services, nasa 99.23% ang DITO, 99.04% ang Smart, at 99.97% ang Globe.
Samantala, sa wired services, nasa 99.71% ang Converge, 99.8% ang PLDT, at 99.5% ang Innove.
Patuloy pa rin ang restoration efforts sa ilang lugar na may problema sa connectivity.
Patuloy rin ang koordinasyon ng DICT at NTC sa mga telco at local government units para agarang maibalik ang mga natitirang serbisyo.

