Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga indibidwal na nais na tumulong sa pagre-repack ng mga family food boxes sa kanilang production hub sa Pasay City.
Ito ay sa gitna mga pag-ulan na dulot habagat at mga nagdaang Bagayong Luis, Maymay, at Neneng kung saan maraming pamilya at indibidwal ang naapektuhan.
Sa pulong balitaan ng Office of Civil Defense (OCD), sinabi ni DSWD Assistant Secretary Leo Quintilla na target ng ahensya ang makapag-repack ng nasa 22,000 family food boxes kada araw.
Ayon kay Quintilla, nangangailangan ang ahensya ng volunteer na nasa 18 taong gulang pataas. Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring bisitahin ang Facebook page ng DSWD.
Umapela rin si Quintilla sa mga nais na tumulong na maging bayani sa mga nasalanta ngayong ipinagdiriwang ang National Heroes Day.
| ulat ni Diane Lear