Umakyat na sa ₱2.84 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura at pangisdaan dahil sa pinalakas na Habagat at mga Bagyong Luis, Maymay, at Neneng.
Ayon sa Department of Agriculture, apektado ang walong rehiyon, kabilang ang Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Western Visayas.
Nasa 72,803 magsasaka at mangingisda ang apektado, habang 64,234 ektarya ng agricultural areas ang napinsala.
Pinakamalaki ang pagkalugi sa palay na umabot sa ₱1.42 bilyon, habang mahigit ₱103 milyon naman sa mais.
Kaugnay nito, may inihanda nang ₱609.79 milyong halaga ng agricultural inputs at ₱35.67 milyong indemnification ang DA para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Patuloy pa ang assessment at validation ng DA, at posibleng madagdagan pa ang kabuuang pinsala.