Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development laban sa mga online scammer na nag-aalok ng PHP 6,500 na cash aid kapalit ng personal na impormasyon.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, hindi bahagi ng kanilang proseso ang paghingi ng cellphone number, address at iba pang personal na datos sa pamamagitan ng private messages sa social media.
Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na mag-ingat at i-verify muna ang mga impormasyon bago magbigay ng personal na detalye online.
Ang assessment para sa mga DSWD program ay isinasagawa lamang sa pamamagitan ng mga opisyal na tanggapan.
Para sa AICS o financial assistance, maaaring pumunta sa pinakamalapit na DSWD Field o Satellite Office para sa interview at assessment.