Umabot sa 7,115 tonelada kada araw ang sulfur dioxide emission ng Bulkang Mayon kahapon, August 31.
Ayon sa Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS), ito na ang ikalawang pinakamataas na emission na naitala ng bulkan mula nang magsimulang bumaba ang volcanic gas concentrations noong July 16.
Kasabay nito, bahagyang tumaas ang bilang ng low-frequency volcanic earthquakes, na umabot sa 12.
Nakapagtala rin ng panandaliang pagtaas ng pressure sa hilaga at silangang bahagi ng bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, maaaring senyales ito ng posibleng muling pag-iral ng eruptive activity.
Nanatili sa Alert Level 2 ang Mayon, pero mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone.
Pinaghahanda rin ang mga komunidad sa posibleng pagtaas ng alert level sa Alert Level 3.