Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat laban sa haze na umaabot na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia.
Ayon sa DOH, maaaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati ng mata at paglala ng mga sakit sa baga gaya ng hika.
Pinapayuhan ang publiko na manatili sa loob ng bahay kung maaari at magsuot ng N95 mask kapag lalabas.
Kung walang N95 mask, maaaring gumamit ng basang panyo o tela bilang pantakip sa ilong at bibig, o kaya ay magsuot ng dalawang karaniwang face mask bilang pansamantalang alternatibo.
Dobleng pag-iingat naman ang ipinapayo sa mga bata, matatanda at mga may sakit sa baga o puso.