Ipinag-utos ni Public Works Secretary Vince Dizon na masusing imbestigahan ang pagnanakaw ng specialized cable sa Sunog Apog pumping station sa Tondo, Manila.
Sinabi ni Dizon na ito ay tugon sa utos ni Pangulong Marcos Jr. na higpitan ang seguridad sa lahat ng mga pumping stations sa tulong ng Philippine Coast Guard para mabantayan ng maigi ang pasilidad at hindi na maulit ang insidente ng nakawan.
Iginiit ng DPWH na matagal itong pinaghirapan na paganahin at malaking pera ang ginastos dito kaya nakakadismaya na ninakaw lang ang mga kable.
Dahil anya sa ninakaw na mga kable kaya pumalya ang pagbomba ng tubig na nagresulta naman sa abot-bewang na baha sa lugar noong Sabado. | ulat ni DK Zarate