Screenshot
Itinuturing na mapanganib pa rin sa kalusugan ang kalidad ng hangin sa ilang parte ng Metro Manila ngayong Martes ng umaga, September 1.
Sa monitoring of concentrations ng Particulate Matter 2.5 (PM2.5) ng DENR-Environmental Management Bureau, naitala ang air quality index na 2014-300 sa mga lungsod ng Las Piñas, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Paranaque, Quezon City, San Juan, Taguig at Valenzuela na ‘acutely unhealthy’.
‘Very unhealthy’ din ang kalidad ng hangin sa Makati, Navotas at Pateros.
Una nang nag-abiso ang DENR na ang exposure sa maruming hangin ay maaaring magdulot ng ubo, iritasyon sa daanan ng hangin, at hirap sa paghinga, partikular sa mga may asthma at iba pang respiratory conditions.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa loob ng bahay kung maaari o gumamit ng face mask kung kinakailangang lumabas.