Pinaalalahanan ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko lalo na ang mga residente ng Metro Manila, gayundin ng mga karatig lalawigan na mag-ingat sa mababang kalidad ng hangin na nararanasan ngayon.
Ayon kay OCD Deputy Administrator, Assistant Secretary Raffy Alejandro, dulot kasi ito ng matinding haze o usok na nagmumula sa wild fire buhat sa Indonesia.
Posible aniya kasi itong maka-apekto sa kalusugan lalo na sa mga nasa vulnerable sector o may karamdaman gaya ng hika at iba pa.
Kaya naman, mainam ayon kay Alejandro na magsuot ng face mask, partikular na ang N-95 upang hindi makalanghap ng maruming hangin sa paligid.
Kung wala namang importanteng lakad, sinabi ni Alejandro na makabubuting manatili na lamang sa bahay.