Isinusulong ni Senador Ping Lacson ang pagbuo ng sariling law enforcement arm ng offce of the ombudsman para mapalakas ang kakayahan nitong lumaban sa korapsyon.
Sa inihaing senate bill 2394 ni Lacson, pinapanukalang itatag ang Ombudsman Marshall Service na magkakaroon ng kapangyarihan ng pag aresto, detention, search and seizure at iba pang imbestigasyon alinsunod sa batas.
Paliwana ng senador, kailangan ng ombudsman ng sarili nitong law enforcement arm dahil sa kasalukuyan, umaasa ito sa PNP at NBI sa pagpapatupad ng mga warrant at iba pang gawain.
Napansin aniya ng mambabatas ang mga hamon na kinakaharap ng ombudsman sa pag iimbestiga sa flood control anomaly, reclamation at iba pang infrastructure projects.
sa ilalim ng panukala, ang Ombudsman Marshall Service ay pamumunuan ng isang special investigator na may ranggo at mga benepisyong katumbas ng isang deputy ombudsman.
Ang mga Ombudsman marshal ay maaaring mag aresto, pagpakuoong, magsagawa ng search and seizure at mag imbestiga.
Pwede rin silang magpatupad ng nga utos at warrant ng ombudsman, sandiganbayan at iba pang anti corruption court o agency.
Naniniwala si Lacson na malaki ang maitutulong ng panukala para mas epektibong magampanan ng ombudsman ang constitutional mandate nito na labanan ang graft and corruption.
Sinabi ni Senator Ping na nakikipag-ugnayan na siya kay Senate Committee on Justice Chairman Senador Kiko Pangilinan para mapabilis ang pagdinig at pagpapasa ng panukala. | via Nimfa Asuncion