Agad na kumilos ang Climate Change and Disaster Response Management Teams ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kasama ang mga Regional Offices nito upang tulungan ang mga naapektuhan sektor ng pangisdaan sanhi ng mga bagyo at Habagat.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni BFAR Spokesperson at Officer-in-Charge ng BFAR CAR, Nazario Briguera, pumalo na sa mahigit 412 million pesos ang pinsala sa sektor ng pangisdaan kung saan 98% nito ay naka-apekto sa Aquaculture Production.
Dagdag pa ni Regional Director Briguera, ang mga rehiyon sa Cordillera Administrative Region, Region 1, Region 3, Calabarzon at Mimaropa ang naapektuhan ng mga nakaraang bagyo at ng matinding epekto ng Habagat.
Mahigpit ding binabantayan ng kagawaran ang presyo ng mga produkto sa sektor ng pangisdaan sanhi ng pinsala sa nasabing sektor.