Muling tumaas ang bilang ng mga namatay dahil sa leptospirosis sa lungsod ng Maynila.
Batay sa datos ng Manila LGU, tatlo ang nadagdag sa mga namatay dahil sa nasabing sakit.
Dahil dito, umabot na sa kabuuang 26 ang bilang ng mga nasawi sa nasabing sakit mula January 1 hanggang September 2, 2026.
Sa datos ng Manila Health Department at CESU, 52 naman ang nadagdag na leptospirosis patients ngayong araw kaya’t umabot na sa 642 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng leptospirosis.