Photo courtesy Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Personal na sinuri ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang kalagayan ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Pampanga at Zambales.
Tiniyak ni Gatchalian na magpapatuloy ang tulong ng pamahalaan sa mga biktima ng bagyo at Habagat.
Sa Porac, Pampanga, nasa 82 pamilya o 281 indibidwal ang nakatanggap ng family food packs, ready-to-eat meals, at tulong pinansiyal.
Sa Lubao naman, sinuri ng kalihim ang kalagayan ng mga lumikas na pamilya sa mga evacuation center.
Samantala, sa San Marcelino, Zambales, tinukoy ng DSWD ang pinsalang dulot ng rumaragasang tubig, kabilang ang isang tulay na hindi madaanan.
Sa kabila nito, nakapaghakot ang relief teams ng 1,037 kahon ng family food packs para sa mga residente.
Pangako ni Gatchalian, hindi pababayaan ng DSWD ang mga pamilyang patuloy na bumabangon mula sa kalamidad.