Photo courtesy of Palawan News
Nananatiling “very unhealthy” ang kalidad ng hangin sa ilang lugar sa Palawan at Cebu, batay sa monitoring ng DENR-EMB.
Nakapagtala ng 228 AQI ang Palawan, habang 203 AQI naman sa Talisay, Cebu, parehong nasa kategoryang “Very Unhealthy.”
Sa Metro Manila, nasa “Unhealthy for Sensitive Groups” na lamang ang air quality sa anim na lungsod.
Samantala, nasa “Good” na ang air quality sa Zambales, habang “Fair” naman sa Antipolo.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko na bawasan ang matagal na pananatili sa labas, lalo na sa mga lugar na makapal ang haze. Hinihikayat ding magsuot ng well-fitting face mask, gaya ng N95, partikular ang mga bata, matatanda, at may respiratory o cardiovascular conditions.