Screengrab via NLEX Corporation/Facebook
Naghahanap ng mga paraan ang operator ng North Luzon Expressway (NLEX) para tugunan ang pagbaha at suportahan ang mga motorista na ilang lingggo nang apektado ng mga pag-ulan.
Ayon sa Metro Pacific Tollways Corporation, mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa DOTr, Toll Regulatory Board at iba pang government agencies para tukuyin ang nasabing mga hakbang.
Bahagi ng long-term solution sa pagbaha sa bahagi ng San Simon ay ang pagtaas ng northbound at southbound pavements sa Tulaoc, San Simon, sa sandaling makumpleto ang elevation sa Tulaoc Bridge.
Una nang tinukoy ng DPWH na na-overwhelm ang drainage systems dahil sa matinding buhos ng ulan bunsod ng Habagat.