Tiniyak mismo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na bibisitahin niya ang Occidental at Oriental Mindoro upang inspeksiyunin ang mga nasirang flood control projects bunsod ng nagdaang mga bagyo at Habagat.
Ito’y sa kabila na rin ng panawagan ng mga residente na muling tignan ng DPWH ang umano’y natitira pang ilang substandard na flood control project.
Ani Dizon, talagang bibisitahin naman niya ang Mindoro ngunit binigyang-prayoridad lang ang sitwasyon sa Central Luzon na mas matindi ang naranasang mga pagbaha at pinsala.
Sa ngayon patuloy ang isinasagawang clearing operations ng DPWH sa Occidental at Oriental Mindoro.
Inatasan na rin niya ang mga regional at district engineers na umpisahan na ang inspeksiyon upang mas mapabilis ang trabaho.