Photo courtesy of Imus City Mayor Alex Advincula Facebook
Kapansin-pansin ang naging malaking tulong ng konstruksiyon ng retarding basin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa lungsod ng Imus na nagpahupa sa problema sa baha ng lungsod.
Lubos ang pasasalamat ni Imus City Mayor Alex Advincula dahil mula sa 40% flooding sa lungsod ay bumaba na lang ito ngayon sa 10% na malaking tulong upang hindi maperwisyo ang mga residente at negosyo.
Kahanga-hanga umano ang naging konsepto ng retarding basin dahil natugunan na nito ang naging mga pagbabago sa lungsod dahil sa science-based approach nito.
Dagdag pa ng alkalde, na nasolusyunan na rin ng nasabing proyekto ang mga lugar noon sa Imus na matindi ang nararanasang pagbaha tulad ng Palico area.
Umaasa naman si Advincula na maisasagawa din ang kaparehong proyekto sa iba pang lungsod sa Cavite at maging sa buong bansa.