Inirekomenda ng Department of Budget and Management ang P69.9 bilyon para sa tatlong pangunahing rice programs sa susunod na taon.
Kabilang dito ang mga programa para sa pagpapalakas ng rice production, pagpapataas ng kita ng mga magsasaka, at pagpapanatili ng abot-kayang presyo ng bigas.
Sa ilalim ng panukalang 2027 National Expenditure Program, P29.9 bilyon ang inilaan para sa National Rice Program, P30 bilyon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund, at P10 bilyon para sa Rice for All Program.
Ang mga panukalang investment ay bahagi ng mas malawak na food security agenda ng kasalukuyang administrasyon.